Hamon Ng Kantahan @blurtfilipino “Larawang Kupas”

in blurtfilipino •  3 years ago  (edited)

Ito ay aking pangalawang pagsali sa hamon ng kantahan.

1A534375-9517-4885-8E27-114496BCB073.jpeg

https://static.starmakerstudios.com/production/uploading/recordings/8162774340751075/master.mp4

          Larawang Kupas

Ito ay kupas na litrato, na napuno ng masayayang alaala ng pagmamahalan sa mahabang taon na lumipas at kumupas.
Magsing-irog na nalayo, nagkahiwalay sa kanilang relasyon sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang pag-iibigan.
Kupas man, ngunit nananariwa ang mga masasayang alaala ng kanilang pagmamahalan sa tuwing nakikita itong litratong kupas.
Sila ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana, ika nga sa isang awitin ni Moira.
Larawang kupas, dahil sa tagal na ito ay itinago, marahil pinahalagaan ito ng isang taong na nagmahal ng tunay.

        Larawang Kupas
       (By Jerome Abalos)

Sa isang larawang kupas
ay aking nasilayan muli ang aking lumipas.

Kung maibabalik ko lamang ang panahon at oras.

Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas.

              (Refrain)

Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago.

Taglay ko pa rin ang damdamin sating lumang litrato.

Ngunit sayo ewan ko
Ikaw ba’y iba na buhat ng tayo’y magkalayo

Kapit kamay tayong dalawa
Nakangiti at kapwa masaya

At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na

Isa itong yaman ng puso ko
Makulay na yugto ng buhay ko

Bumabalik ang ligayang lipas
Salamat sa larawang kupas.

          (Katapusan)

Salamat sa inyong pagdaan. Ito ay pagbigay suporta sa hamon ng pagkanta na pinangunahan ng kumunidad @blurtfilipino at sa pagtulak ng taong nasa likod nito @mermaidvampire.

Salamat po sa inyong pagdaan, pagbasa at pakikinig😍

903695E7-1219-4501-868D-D6E145F1E587.jpeg

669FC252-F945-4A67-AAC8-FAD2A894D137.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE BLURT!